Why Do I Love Him?
Siguro, kasi ganun. I guess I love him just because.
Mahal Ko siya...?
Nung Sabado, habang nasa bus kami pauwi, napatingin ako sa kanya. Once again, napaisip ako kung bakit ko sya mahal. Once again, hindi magagandang bagay tungkol sa kanya ang naisip ko. Madami akong naisip.
'Bakit kita mahal? Maarte ka naman. Mayabang. Masyadong isip bata. Gusto mo bida ka palagi. Minsan nga insensitive ka. Higit sa lahat, hindi ka naman ganun ka-cute. Wala dapat akong gusto sau. Pero bakit ganun? Chuchu ka!'
Halos araw-araw, iniisip ko kung bakit ko sya mahal. Halos araw-araw, sinasabi ko sa sarili na dapat hindi ko sya mahal dahil dun sa mga ugaling un. Halos-araw-araw, sinesermunan ko ang sarili kasi kahit halos araw-araw akong mag-isip ng sagot, di ko pa rin malaman kung bakit ko sya mahal.
Kanina, napag-usapan ang tungkol sa "perfect guy". Ayan syempre, discussion tungkol sa perfect guy mo. Napunta naman sa kanya. Tinanong nila ako kung perfect guy daw ba siya. Sabi ko, napakalayo niya kumpara sa perfect guy na dini-describe ko.
"I don't need 'the' perfect guy. I need 'my' pefect guy."
So perfect guy ko ba siya? Isang malaking hindi. Kahit na funny sya, musically-inclined, may pagka-caring at may pagka-sweet. Hindi pa rin. Malayo.
Maarte sya. Mayabang. Isip bata. Insensitive. Halos lahat ng ayaw ko sa isang lalaki, nasa kanya.
So Why Do I Love Him?
"I love him not inspite of those traits, but because of them." There's a big difference.
Mahal ko sya kahit maarte siya? Kahit mayabang siya? Kahit isip bata sya? Kahit insentsitive siya?
Mali. I love him because I do. Because sa tingin ito ung pinaka-natural na bagay sa buong mundo. Mahal ko sya dahil maarte siya. Mahal ko sya dahil mayabang siya. Mahal ko sya dahil isip bata sya. Mahal ko sya dahil insentsitive siya.
I love him because of all of this and more. I love him because he's everything. He's everything...but mine.
~
~
~
Alam mo ba kung anong hawak ko ngayon? Hawak ko ang puso mo. Napulot ko kasi tinapon niya. Pwedeng akin na lang? Promise ko di ko itatapon. Iingatan ko pa...
~
"I'm not used going to bed without hearing your voice nor hearing us laughing before I go to sleep. And saying God Bless, Ingatz! Gud Night...Later =)"
Why do you keep torturing me with these messages..