excerpt:
"Bakit mo naman naitanong?" tanong si Ginny na tila tuwang-tuwa.
"Ah, kasi...kasi lagi ko kayong nakikitang magkasama kaya akala ko—"
Tumawa ulit siya. "Ibig mong sabihin dahil lagi akong may kasamang lalaki, kami na?" Bigla akong nagulat nang tinapik niya ako sa balikat at ngumiti.
"Eh 'di dahil... kasama kita ngayon-at lagi tayong magkasama-tayo na?"
Tangina, ang sakit. Pakiramdam ko biglang bumagsak ang puso ko sa paanan ko. At dahil parang balewala lang sa kanya iyon, mas lalong naging masakit sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit labis akong nasaktan dahil sa sinabi niya. Kaibigan ko lang si Ginny, 'di ba? Hindi siya kaparis ni Cho...
Hindi. Magkaiba sila ni Cho. Kailanman ay hindi sila naging magkatulad ni Cho. Iba si Ginny. Nag-iisa lang siya.
Dumating na ang bakasyon at gaya nang dati, wala akong nagawa kundi bumalik sa Privet Drive. Nasa sarili ko na naman akong kulungan. At mayroong mga gabi na hindi ako makatulog. Nakahiga lang ako at iniisip siya. Langya, lagi siyang sumasagi sa isip ko. Mas iniisip ko pa nga yata siya kaysa kay Voldemort.
No comments:
Post a Comment