21.11.06

siya

nakamove-on na ako..

tapos hindi pa pala..good ba to o bad?

sana good..

~

grabe ung nakita ko kanina... nakakasira ng mata.. kac naman eh.. ang aga ilabas ung picture na ganun.. tapos ang tagal pa nung movie... BAKIT?! haays.. parang hindi ako nakahinga nung nakita ko ung pic na un.. Ngayon tuloy, di na ako makapaghintay dun sa harry potter movie...

nakakainis.. wala nanamang lumalabas sa utak ko na pwedeng isulat.. eh sinisipag pa naman akong magsulat ngayon.. ahaha.. oh well..

basta, malapit na birthday ng bestfriend ko.

~

Nag move-on na ako..

Pero nahabol mo pa rin ako..

Haay, ang cute ko talaga...haha..

29.10.06

...

Am i over him?


Not even close.

kahit talaga anong gawin ko..
kahit na ibinaling ko na ung atensyon ko sa iba..kahit na kinukumbinsi ko ung sarili ko na iba na ung gusto ko..kahit na sinasabi ko sa ibang tao na over na ako sa kanya... di ko pa rin masabi ng buong pagkatao sa sarili ko na ndi ko na sya mahal..kac alam ng sarili ko na hindi un totoo..alam ng buong pagkatao ko na hanggang ngayon, sya pa rin ung tinitibok ng puso ko...nakakainis na..nakakasawa na..

~

ang galing talga ng alak no..marami kang nalalaman dahil dito... ung mga ayaw magsalita, nagsasabi ng kung anu anu... ung mga tahimik, umiingay..higit sa lahat..nalalaman mo ung mga bagay na matagal mo ng gustong malaman..pero alam mong ayaw mong marinig...

inamin na ni girl eh..na mahal nya pa rin sya.. sabi nyang, oo may nararamdaman pa rin sya sa kanya.. ahaha...ang sakit... ang magulo pa sa kanya, mahal nya ung tao, pero ayaw nya dito..ung bang may mga ayaw syang pag-uugali ng isang boyfrend kaya ayaw nya dito kahit mahal nya.. naman...lalong mong pinagulo ung sitwasyon eh.. edi sna, masaya na sya ngaun.. at least pag kayo na, pwede ng matanggap ng sarili kong di tlga pwede..kac alam mo ba, hanggat malaya sya, kahit na mahal ka nya, di ako nawawalan ng pag-asa...kahit pa alam kong kahit na humiling ako sa isang milyong shooting stars, di ka mapapalitan sa puso nya..alam ko, nkikita ko...

ndi ko din alam kung anung magiging reaksyon ko pag naging kayo nga, sana maging masaya ako, kac nga pwede ko nang matanggap ng buo..pero cguro, labis labis din na sakit ang mararamdaman ko, kac di na sya magiging akin...

~

gusto kong umiyak, kac naiinis na ako sa sarili...ang tanga ko kac..tapos ang tigas pa ng ulo ko...sbi nang kalimutan ko na sya eh.. ang kulit kulit...ngayon, tanging ang blog na ito ang nakakalaalamn ng totoo..kac alam ng lahat ng tao na hindi ko na sya mahal..

alam nyo kung bkit ko snabi un? kac ayokong mabatukan ni twin sistah...lolz..ndi..kac ayoko ng gawing kumplikado pa ang sitwasyon..at feeling ko kac, natatakot girl sa mararamdaman ko kapag pinakita nya ung nararamdaman nya.. ayoko naman maging dahilan kung anu mang mangyayari sa kanila, o kung anu man ung hindi mangyayari sa kanila...kac gusto kong maging masaya sya..kahit pa katumbas nito ung pagsasakripisyo ko ng sarili kong kaligayahan...

inis lng talga ako sa sarili ko, kac kahit hbang sinusulat ko to.. may isang pangungusap na tumatak sa utak ko.. "hihintayin ko na lng sya..." naiinis ako..kac bkit ganyan ung naiisip ko... tanga na talaga ako... ni hindi ko nga mgawang magpaligaw sa ibang tao eh..kac alam kong di ko naman cla matutunang mahalin.. ayoko lokohin ang sarili ko, ayoko din lokohin ung mga taong un... kac alam ko namang hanggang ngayon sya pa rin ang nasa puso ko...

gusto nang lumabas nung mga luha sa mata ko..kaso nahihiya cla, baka kac walang magpunas sa kanila eh...


~


ang daming laman ng utak ko ngayon...ang dami kasing nangyari this past few days...

ung rebelasyon ni R sa amin nung Sabado... sana pala di ko na lng un narinig...

ang sakit...kac nakit ko clang dalawa...nkikita ko kung paano ipinaparamdaman ni 'kid' ung pagmamahal nya kay "".. kung sana pwede kong iparamdamn un s knya..kaso alam kong ndi pwede, ndi nya un tatanggapin..mas lalo lang akong magmumukhang tanga..

i can't erase that scene... i wanted it to go away.. but it plays in my head all the time..

basta..

gosh.

27.9.06

SMW Crampness

I'm Exhausted. My legs are sore. My back is aching. Gawsh.

Ang hirap pala ng SMW. Bakit pa kasi nagkaroon ng technique class eh.. Pwede namang puro sayaw nalang. Biruin nyo, 30 minutes na stretching ung ginawa nmin. And this is no ordinary stretching ah. It was brutal. May kasama pa yang curl-ups.. Alam nyo kung ilan? 16 counts lang naman in each position of the feet. Ilan ung positions? 10. So, 160 curl-ups iyon. Bawal huminto. Grabe, ang sakit talaga ng katawan ko. Kung di ko lang love ang dance eh....haay...

23.9.06

MP3


Yes..I finally got it! Pagkatapos ng two weeks ng pagwowork at pagpapasensya sa mga customers... Nabili ko na ang bagay na dahilan kung bkit ako naghanap ng work...

I finally got my MP3 player.

Whoo..


This is the Sandisk e260 MP3 Player.
Well, I can't say that they didn't go straight to Ipod Nano on this one. It's design resembles that of a nano with its scroll wheel and glossy surface. It's also just about the same length and width as the nano (3.5-inches by 1.74-inches vs. the nano's 3.5-inches by 1.6-inches), but the e260 is nearly twice as thick (0.52-inches vs. 0.27-inches) (o dba, nagresearch pa tlga...).
Even though it has the scroll wheels, not the touch sensitive ones like the ipod, it still resembles them. The wheel for me is nice cause it glows blue when you're using it, which is a nice touch.
The glossy surface in front of the mp3 is a fingerprint magnet which is a big thumbs down for others but its surface is more resistant to scratches than that of the nano.
There are six buttons on the mp3. up/play/pause, submenu/down, left/previous, right/next, select button in the center and the power button. Two additional controls include the hold switch and the record button. (yes, you can record on this mp3).
And as you can see, it has a larger screen than that of a nano. Although it is still a small screen for videos, we can playback videos here which is a nice option.
(hmm...ayoko ng mag-explain)
(Conclusion na tayo..)
kk. The Mp3 e200 series isn't without its faults. And even though it has its flaws, I would still pick a sandisk instead of a nano. It's cheaper ($200 with a 4GB of memory-nano's 2GB is also $200..san ka pa?) , has more features, has a larger screen, and better battery life (20 hours compared to nano's 14).
And kasi halos lahat ng taong kakilala ko, naka-ipod eh.. For the sake of being different ba.

26.8.06

haaaayyss...

ganyan ka naman eh... kung cnu ung ka-close mo ngayon, sya ung mahal mo...

~

pag iba na ulit kalapit mo, iba na ulit ung mahal mo...

~

ngayon, cguro hindi mo na ako iniisip, ni hindi mo na cguro ako naalala... kac sya na ulit ung kalapit mo...kahit nga sa mga text ko, nakalimutan mo nang magreply..ganyan ka naman eh...

~

naiinis ako sa sarili...kac ganito pala talga un.. meron pala talgang isang taong darating sa buhay mo na kahit di na akyo nagkikita, hindi pa rin maalis sa isip.. un bang dapat ibang bagay na ung pinoproblema mo, pero sya pa rin ung bida sa utak mo...un bang bawat minuto.. as in bawat minuto, di pwedeng hindi mo sya maiisip...
kung anu bang ginagwa nya,
kung cnu kasama nya..
kung masaya ba sya..
kung naalala ka pa ba nya...
haays...
nakakainis talga...
nakakainis...

22.8.06

Shuffle Song Fun

1. Put your music player on shuffle.
2. Press forward for each question.
3. Use the song title as the answer to the question even if it doesn't make sense. NO CHEATING!
4. Tag 10 people to play this game too.


How are you feeling today?
yo (excuse me miss)


Will you get far in life?
champion -sarah geronimo
(sosyal!)


How do your friends see you?
bulong


Will you get married?
love can't lie
(tama,.tama.. lol)


What is your best friend's theme song?
dadalhin - gagong rapper


What is the story of your life?
greatest story ever told- oliver james
(ang galing no? haha..)


What was high school like?
you and me - lifehouse


How can you get ahead in life
one and only you


What is the best thing about your friends?
sulat - heart and gloc 9
(letters?)


What is today going to be like?
emotion - mymp
(nice,,full of emotions daw..lol..)


What is in store for this weekend?
eternal flame - mymp
(!!!)


What song describes you?
bent down - hale
(??? lagi ba akong nakayuko?)


To describe your grandparents?
buttons -psd
(wat the heck..)


How is your life going?
hurt - shawn desman
(awww...how appropriate..LOL...)


What song will they play at your funeral?
two little monkeys - lily randall
(haha..nice...)


How does the world see you?
ewan ko...- soapdish
(haha..di ko naman talga alam eh..hehe..)


Will you have a happy life?
magmahal muli -sam milby & say alonzo
(cguro..kac magmamahal daw ako muli eh..HAHA..)


What do your friends really think of you?
life support - hale
(nice..haha..)


Do people secretly lust after you?
hips don't lie - shakira
(para bang, "well, their hips' don't lie.." wat the heck..)


How can I make myself happy?
the past - jed madela
(really? can the past make me happy? bah! )


What should you do with your life?
take me away - lifehouse


Will you ever have children?
just believe - sarah geronimo
(lol..sosyal..just believe..)

12.7.06

Why Do I Love Him?

Tough Question. Kahit ako, di ko masagot yan eh. Hindi ko alam kung paano o saan magsisimula. Di ko nga alam kung paano ko nasabi na mahal ko siya, let alone explain why.

Why Do I Love Him?

Siguro, kasi ganun. I guess I love him just because.

Mahal Ko siya...?

Nung Sabado, habang nasa bus kami pauwi, napatingin ako sa kanya. Once again, napaisip ako kung bakit ko sya mahal. Once again, hindi magagandang bagay tungkol sa kanya ang naisip ko. Madami akong naisip.

'Bakit kita mahal? Maarte ka naman. Mayabang. Masyadong isip bata. Gusto mo bida ka palagi. Minsan nga insensitive ka. Higit sa lahat, hindi ka naman ganun ka-cute. Wala dapat akong gusto sau. Pero bakit ganun? Chuchu ka!'

Halos araw-araw, iniisip ko kung bakit ko sya mahal. Halos araw-araw, sinasabi ko sa sarili na dapat hindi ko sya mahal dahil dun sa mga ugaling un. Halos-araw-araw, sinesermunan ko ang sarili kasi kahit halos araw-araw akong mag-isip ng sagot, di ko pa rin malaman kung bakit ko sya mahal.

Kanina, napag-usapan ang tungkol sa "perfect guy". Ayan syempre, discussion tungkol sa perfect guy mo. Napunta naman sa kanya. Tinanong nila ako kung perfect guy daw ba siya. Sabi ko, napakalayo niya kumpara sa perfect guy na dini-describe ko.

"I don't need 'the' perfect guy. I need 'my' pefect guy."

So perfect guy ko ba siya? Isang malaking hindi. Kahit na funny sya, musically-inclined, may pagka-caring at may pagka-sweet. Hindi pa rin. Malayo.

Maarte sya. Mayabang. Isip bata. Insensitive. Halos lahat ng ayaw ko sa isang lalaki, nasa kanya.

So Why Do I Love Him?

"I love him not inspite of those traits, but because of them." There's a big difference.

Mahal ko sya kahit maarte siya? Kahit mayabang siya? Kahit isip bata sya? Kahit insentsitive siya?

Mali. I love him because I do. Because sa tingin ito ung pinaka-natural na bagay sa buong mundo. Mahal ko sya dahil maarte siya. Mahal ko sya dahil mayabang siya. Mahal ko sya dahil isip bata sya. Mahal ko sya dahil insentsitive siya.

I love him because of all of this and more. I love him because he's everything. He's everything...but mine.

~

~

~

Alam mo ba kung anong hawak ko ngayon? Hawak ko ang puso mo. Napulot ko kasi tinapon niya. Pwedeng akin na lang? Promise ko di ko itatapon. Iingatan ko pa...

~
 
"I'm not used going to bed without hearing your voice nor hearing us laughing before I go to sleep. And saying God Bless, Ingatz! Gud Night...Later =)"

Why do you keep torturing me with these messages..

10.7.06

A poem



A poem, from a friend. Not mine.

~

10 Things I Hate About You
J.A.DC.D.



i hate the way you talk to me,

and the way you show me how you feel,

i hate the way you tell me things,

i hate it when you stare,

i hate your smile

and the way you read my mind,

i hate its so much it makes me sick

it even makes me rhyme,

i hate it the way your always right,

i hate it when you lie..

i hate it when you make me laugh,

even worst when you make me cry,

i hate it when youre not around,

and the fact you didnt call..

but mostly i hate the way that i dont hate you,
not even close, not even a little bit, not even at all..

9.7.06

-=My Perfect Guy=-

Instructions:
1. The tagged victim has to come up with 8 different descriptions of their perfect lover.
2. He/she needs to mention the sex/gender of their perfect lover.
3. He/she must tag 8 more people to join this game and leave a comment on their respective sites announcing that they've been tagged.
4. If tagged a second time, there's no need to post again.
~


My Perfect Guy (?!)
by Marjorie Vital


1. Lalaki dapat; straight, syempre.
Sabi kasi sa instructions dapat naka-cite ung sexual preference eh. Nakakatulong din kac para 7 qualities na lng ung iisipin. lol. May muscles? big plus, pero wag naman ung sobra. Para bang masyado na syang obsessed sa sarili niya. No offense. Perfect Guy ko to eh.

2. Cute.
Katulad ni Kibum. Ayoko ng lalaking "gwapo". Para kasing masyado nang hindi ma-reach ung term na un eh. Dapat cute lang. Kaya cute na lang.

3. Dapat MAS matangkad at MAS matanda sa akin.
Pero syempre ayoko naman na parang haggang balikat na lng niya ung tuktok ng ulo ko. Syempre dapat tamang tama lng ung pagkatangakad niya. Ayoko ng taong mas bata sa akin. Few months, okay lang but not more. Basta. Pero ayoko din naman na parang magtatay na kami sa sobrang tanda. 1-3 years older sakin.

4. Caring and Sweet.
Ung bang lagi niyang pinaparamdam sau na importante ka sa kanya. Ung bang hindi siya nahihiyang ipakita at iparamdam na mahal ka niya. Basta, mahirap i-explain. Gets nyo na naman ako, dba?

5. Funny.
Ung Funny na "ha-ha" ang tinutukoy ko. Dapat may sense of humor sya na kahit ang sama sama ng araw ko eh kaya na akong patawanin. Kahit pa corny ung mga jokes nya, ok lng basta nakikita ko ung effort niya para patawanin ako. At dapat alam nya kung kailan magpapatawa at kung kailan hindi.

6. Witty and Philosophical.
Kahit na hindi na niya naiinitidihan ung sinasabi niya, gusto may something we have to disagree about. Boring kung laging match ung iniisip nmin. Syempre dapat may sense ung sinasabi niya. Pero syempre, dapat may isang bagay na pareho kaming agree sa isa't isa.

7. Musically Inclined.
Hindi ko sinasabing dapat magaling siya kumanta. Cute nga ung kinakantahan ka niya kahit medyo wala sa tono ung boses niya. Dagdag points kung marunong maggitara o marunong tumugtog ng piano. Mas dagdag points kung marunong sa parehong un. Musically inclined hindi lng sa kanta kundi sa pagsayaw din. (may kasamang music naman ang dance ah..lol) Hindi kailangang magaling syang sumayaw. Hindi din kailangang hiphop lng sya marunong. Maganda nga kung ballroom dancing marunong siya eh. Para turuan niya ako. haha.

8. Understanding.
The type of person who can accept me for who I am. Ung lalaking kahit na anong mukha ko, mahal pa rin niya ako. (aewww..) Ung lalaking naiintindihan na minsan kailangan mo din ng time and space. Kasi ung ibang lalaki, hindi naiintindihan na kailangan mo ding maglaan ng time para sa mga friends mo at hindi lng sa kanya lahat ng oras mo. Ung lalaking kahit sa kanya mo ibuhos lahat ng galit mo sa mundo, hindi siya magagalit sau kasi naiintindihan niyang kailangan mong ibuhos ang galit mo. Ung lalaking naiintindihang minsan pwede ka ding maging busy. Basta, ung lalaki na mahal ka at kaya kang intindihin kahit na pati ikaw ay hindi maintindihan ang sarili mo.

 At siyempre wala pa'kong nahahanap na perfect for me. Hehehe..Pero siguro may mga exceptions din. Kung "one of a kind" talga ung guy.

~

Who said that only males are demanding? hehe...


I'm tagging:

1. Anjel
2. Karen
3. Jelyn
4. Ate Avy
5. Sarah
6. Lorlen
7. Shayne
8. Eika
~
Gawin nyo na.. For fun lang naman eh...hehe..

8.7.06

nakakapagod na din eh...

haay..

nakakainis talaga,,alam mo bang nakakapagod na ding maghintay,..na wala kang kasiguraduhan na darating ung hinihintay mo? pero mas nakakainis na kahit gustong gusto mo ng sumuko, kahit na talagang ayaw mo na...makita mo lang siya, magdadalawang isip ka na kaagad kung susuko ka ba o hindi...nakakapagod kaya..

pagod na akong...
magtext sau..
maghintay ng text mula sau...
magbilang ng araw kung kailan ung huli mong text..

pagod na akong...
isipin ka...
mag-isip...
isipin kung iniisip mo ba ako..

pagod na akong...
ikwento ka..
pag-usapan ka..
ipagtanggol ka..
intidihin ka...
mangulit..
umiyak..
magpigil ng luha...

pagod na kong
umasa..
maghintay...

pagod na akong...
magmahal.......



pero ewan..kahit anong gawin ko..ayaw pa rin...

19.4.06

haay..

kung alam mo lang..
ni minsan di ka naging abala sa buhay ko..
chuchu ka..
ang oa mo..
masyadong madrama..
ayan tuloy..
kasi..

3.4.06

Pahabol lang..


kasi nakalimutan kong mag-thank you...
ngayon ko na lang kayo pasasalamatan...

first of all..
I wanna thank GOD...sa lahat lahat ng mga blessings na binigay niya sa akin..sa lahat lahat ng mga bagay na nangyari sa kin..sa mga simpleng bagay na nakapagpapasaya ng araw ko..at sa fact na buhay ako ngayon at kasama ang mga mahal ko sa buhay..


Thanks to my loving family, na kahit matigas ang ulo ko, nandyan pa rin sila..hindi nila ako pinapabayaan.. 


At ito, mahabahaba..
S-CREW..

unang-una, si Anjel, salamat kasi tinulungan mo akong gumawa ng mango float (ang sarap!) at sa understanding sa mga times na may topak ako..
Kay Lei, salamat sa lahat ng mga nagawa mo para sa akin, salamat kasi nandyan ka..
Kay Karen, salamat sa mga pakikinig tungkol sa mga hinanakit ko sa buhay, pati na rin sa mga kalokohan natin nila Anjel..lol..
Kay Jaypee, kahit hindi ka nakapunta dun sa party, salamat ka pa rin pagkatapos. at salamat din sa pagpupuno nung card..hehe..
Kay Joecelle, Camille, Katrin, salamat sa ice cream cake!! Kay joecelle, salamat sa pagiging mabuting kaibigan na maasahan ko sa mga panahong may problema ako salamt sa mga jokes na napapatawa ako..
Kay Abraham, salamat sa mga advice na binibigay mo at sa pag-aalala mo parati sa akin, sa amin..
Kay Sarah, salamat sa tiwalang binigay mo sa akin at sa akin mo sinasabi ung mga problema mo kung kani-kanino, iingatan ko ung tiwalang un. pramis...
Kay Grace, salamat kasi lagi ka ding nandyan..
Kay Ardley, salamat sa kakulitan mo at napapatawa mo ako. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako sumasaya tuwing lunch period. hehe...
Sa S-CREW family, salamat sa inyo...
Salamat din sa iba kong friends, sina Jelyn at Ate Avy na pumunta dun sa party. Jelyn, salamat sa hat ah! Hehe..

Salamat din sa aking bestfriend, si Nica, kasi kahit malayo kami, hindi pa rin nawawala ung friendship. Alam ko namang di iyon mawawala. Salamat sa kanya sa lahat lahat ng nagawa niya para sa akin. Sa understanding at sa care. Salamat.

Dun sa isa ko pang bestfriend, Si Abychu, salamat sa lahat ng mga emails at comments ko sa blog. Salamat kasi kahit nga malayo kami sa isa't isa hindi pa rin tay nagkakalimutan. Mis ko na kayo. Salamat sa understanding at patience.
Kay Nikko, ung taong wala na akong balita. Salamat dun sa mga times na magkasama tayo at napapatawa mo ako, napapasaya. Salamat sa mga kabaliwan nating dalawa, nating apat. Hindi ko iyon makakalimutan.
Meron pa..
Salamat kay Leah, kasi hindi niya ako nakakalimutan tuwing nag-iinternet siya. Salamat talaga. Sa lahat ng updates tungkol dyan sa Pinas. Sa lahat ng mga bagay ng nagawa mo para sa akin. Salamat.

Ung apat na taong binanggit ko, MISS na MISS ko na KAYO...
basta..SALAMAT, at libong SALAMAT sa inyo...


-marj_03


21.3.06

Denial...Am I?

Denial is a game we shouldn't play...sabi nga ni Sam Milby sa kanta nya...napaisip tuloy ako... Am I in Denial? Sinasabi ko ba sa sarili ko ang isang bagay na taliwas sa nilalaman ng damdamin ko? Kasi kahit ako ay hindi na maintindihan ang nararamdaman ko. Kasi hindi ko na alam kung may pagtingin pa rin ako sa kanya tulad ng dati...

Lovers can never be friends. Sabi daw nila. Sabi nila na kung minsan kayong nagmahalan, pagkatapos ng sandaling kayo'y nagsama, hindi na kayo magiging magkaibigan. Ung iba oo, nagiging magkaibigan pa rin. Pero may mga bagay na hindi na maibabalik pa. Kahit na pilitin niyong mag-usap ng matino, may ilangan pa rin na nangyayari. Kaya oo nga, tama sya. Hindi na kami babalik sa dati. kahit na sinabi ko sa tulang ginawa ko na babalik na lang ako sa dati. Hindi na kami bumalik sa dati. Nagbago ung relasyon naming dalawa. Mas naging malapit kami. Yung inaasahan kong mangyayari na kami'y tuluyan nang magiiwasan ay hindi naganap. Ako na nga ang natatakbuhan niya sa tuwing nalulungkot siya eh. Syempre, hindi ko yun naramdaman agad. Nagdaan ang isang buong linggo at dun ko lang napagtanto na tama ang sinabi nya. Magkaibigan pa rin kami. Kahit na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa aming dalawa, magkaibigan pa rin talaga kami. Hindi lang iyon, kundi talagang malapit kami sa isa't isa. Nalaman ko yun nung nagkaroon siya ng problema dahil dun sa babaeng naging dahilan kung bakit niya ako iniwan. Nasaktan nanaman siya dahil sa kanya. At eto naman ako, kaibigan ngang totoo. Nakinig sa kanya habang sinsabi ang mga hinanakit niya sa babaeng noon pa man ay nasa puso na niya. Inaamin ko na masaya ako sa nangyayari sa amin ngaun. Bilib nga ako eh. Ang ganda ng relasyon namin. Pero syempe, hindi mangyayari ang ganitong pagkikipagtunguan nang walang nasasaktan. Alam niyo? Masakit. Na sabihan kang "You're a special friend for me." Na ituring kang kaibigan lang ng taong mahal mo? Grabe, ang sakit. Kailangan mong isara ang puso mo para hindi ka bumigay at sabihin sa kanyang ikaw na lang ang mahalin niya. Yun kasi ang ginawa ko. At alam niyo. Epektibo. At least, nakakausap ko siya ng matino.

Simple lang naman ako eh. Simple magmahal. Mahal ko siya. Hindi ko naman hinihiling na mahalin niya ako. Siguro ang sarap kong tawaging tanga no? Kasi natitiis ko ang sakit habang pinapankinggan ko siyang umiiyak dahil sa mahal niya. Na pinipilit kong huwag ding umiyak nang marinig ko siyang humihikbi isang gabing magkausap kami. Sabi ko nga, simple lang naman akong magmahal. Ni minsan, di ko sinabi sa kanyang ako naman ang mahalin niya. Hindi ko tinanong kung bakit hindi na lang ako ang minahal nya. Ni minsan, wala akong nasabing ganoon. Kahit na isinisigaw na ng puso ko ang mga katagang "ako na lang ang mahalin mo...sa akin di ka iiyak...". Kahit na walang humpay sa pagsumbat ang isip kong sinasabing "ikaw kasi, tuloy umiiyak ka nanaman...ano bang napala mo nung iniwan mo ko? Nasaktan ka lang...Ni minsan di kita ginanyan...", hindi ako kumkibo. Sige pa rin sa pakikinig sa kanya habang sinasabi niya na wala siyang pakialam kung naghihintay siya sa wala. Ako din naman eh, walang pakialam kung naghihintay ako sa wala. Sa totoo lang, hindi naman ako umaasa. Siguro, hinihintay ko lang siya. Tahimik na lang akong naghihintay sa panahon na magbago ang nararamdaman niya. Pero hindi naman talaga ako umaasa. Pero kahit naghihintay ako sa wala, hindi ako nagsasawang magbakasakali na magbago ang damdamin niya. Magulo, pero malinaw sakin un. Mahirap, pero dapat kayanin.

Sa dami dami ng sinabi ko, napaisip ka siguro. Anong kinalaman ng title sa entry na to?
Explain?
Ganito kasi yun...Taliwas ang mga salitang ibinibigkas ko sa pintig na isinigigaw ng puso ko. Kapag may nagtanong sakin, aking sasabihin na wala na. Hindi ko na siya gusto. Kahit na ipagpilitan ng puso ko na sabihin ang totoo, natatalo ng isip ko at nasasabi ang mga bagay na iba sa damdamin ko...Sa ibang salita, inamin ko sa entry na ito ang panlolokong ginagawa ko sa sarili ko. lol.

24.2.06

ang sakit...ang sakit sakit...


15 Feb 2006

2:26pm


isang tula mula sa utak ng batang kitkat...lol...


haay..
Isang buwan na sana ngaun..
Pero iniwan mo na ako nung isang hapon..
Sayang, pero ayoko nang isipan pa,
Kasi alam ko namang sa kanya ka masaya..
ayokong alalahanin to..
kasi baka maiyak ako dito..


Gusto ko lang magpasalamat sayo..
sa halos isang buwang pinaligaya mo ako...
Salamat sa pagmamahal at pag-aalala..
pati na din sa mga joke na corny pero
nakakatawa..
Salamat din sa mga sinabi mo..
mga salitang nagpasaya sa damdamin ko...
Salamat sa iyong pagmamahal at paglalambing..
at sa atensyong sa akin mo ibinaling...


Pero siguro ngang siya pa talaga ang mahal mo,
kasi hanggang ngayon siya pa rin ang nasa puso mo...
Di na kita pinigilang umalis..
itong nararamda'y akin na lang tiniis...
Anong pa kasing dahilan para lumaban pa,
kung alam ko namang sa kanya ka maligaya...
Siguro babalik na lang ako sa dati,
ung kaibigan mong nandito parati...
Naiintindihan ko na kung bakit mo iyon nagawa..
at aaminin kong hindi din ako natuwa..
Pero wag kang mag-alala...
ako sayo'y di na galit pa...
Balik na tayo sa dati ah...
ung tawanan at asarang masaya...
May sasabihin muna ako at huli na to...
Salamat talaga sau..
Wag mo kakalimutan, nandito lang ako... =D


nyahaha...walang magawa sa science...hindi
nakikinig ng lesson...haay...'Thales' talaga
ako...hehe...wooshoo!


-marj ;)

8.2.06

-=My Personality=-

1. By Name

Dalawa to eh..kaya M and A n lng ilalagay ko..
Does your name begin with: M? You may appear innocent, unassuming and shy; but we know that appearances can lie. When it comes to sex, you are no novice but something of a skilled technician. You can easily go to extremes, though, running the gamut from insatiability to boredom with the whole idea of love. You can be highly critical of your mate, seeking perfection in both of you. It is not easy to find someone who can meet your standards. You have difficulty expressing emotions and drawing close to lovers. You are often selfish, thinking you are always right no matter what. You never give in. Winning is your prime desire- at any cost. You often forget friends and family and you live for the moment.

Does your name begin with: A? U are not particularly romantic, but you are interested in action. You mean business. With you, what you see is what you get. You have no patience for flirting and can't be bothered with someone who is trying to be coy, cute, demure, and subtly enticing. You are an up-front person. You often don't get hints, and you never pass any. Brains turn you on. You must feel that your partner is intellectually stimulating; otherwise you will find it difficult to sustain the relationship. You require loving, cuddling, wining, and dining to know that you're being appreciated. Your mate's physical attractiveness is important for you. You tend to be very practical, and not very emotional. Your choices are very good and can only lead to trouble. You are very self satisfied and egoistic.


2. By Month

APRIL*Active and dynamic *Decisive and haste but tends to regret *Attractive and affectionate to oneself *Strong mentality *Loves attention *Diplomatic *Consoling *Friendly and solves people's problems *Brave and fearless *Adventurous *Loving and caring *Suave and generous *Emotional *Revengeful *Aggressive *Hasty *Good memory *Moving *Motivate oneself and the others *Sickness usually of the head and chest *Easily get too jealous.



3. By Date

April 1st - April 10th
NAVY

You are attractive, and love your life. You have a strong feeling towards everything. And very easily distracted. Once you get angry at someone, it's hard for you to forgive them.


4. By Signing Style

NO UNDERLINES OR DOTS BELOW THE SIGN
These persons enjoy their life in their own way, never pay attention to others views. These are considered to be good natured but are selfish too.

30.1.06

Bigsky Dance Auditions

The Results are in...
















and I didn't make it...




haha..it's okay...in fact, I am so relieved that I didn't get in.. At least, I won't have to go to downtown every Tuesdays and Fridays. It's hard to commute during winter, you know. And also, Fridays are gimik days..hehe..Karen also didn't get in. She is also happy. Weird, eh? We didn't get in but we're still glad. Oh well, we have reasons for it. Ardley got in it, though; and he is bummed. It is because not only that he doesn't have any close friends there (Clarissa didn't get in too) but he have to suffer each and every practice with, ehem, **** (Sorry, can't say the name). hehe.. The only thing we were upset about the outcome is that **** (same person) is there. We were so annoyed by that person and we just can't take the fact that she got in. Are we evil or what? hehe..



Oh well..