Denial is a game we shouldn't play...sabi nga ni Sam Milby sa kanta nya...napaisip tuloy ako... Am I in Denial? Sinasabi ko ba sa sarili ko ang isang bagay na taliwas sa nilalaman ng damdamin ko? Kasi kahit ako ay hindi na maintindihan ang nararamdaman ko. Kasi hindi ko na alam kung may pagtingin pa rin ako sa kanya tulad ng dati...
Lovers can never be friends. Sabi daw nila. Sabi nila na kung minsan kayong nagmahalan, pagkatapos ng sandaling kayo'y nagsama, hindi na kayo magiging magkaibigan. Ung iba oo, nagiging magkaibigan pa rin. Pero may mga bagay na hindi na maibabalik pa. Kahit na pilitin niyong mag-usap ng matino, may ilangan pa rin na nangyayari. Kaya oo nga, tama sya. Hindi na kami babalik sa dati. kahit na sinabi ko sa tulang ginawa ko na babalik na lang ako sa dati. Hindi na kami bumalik sa dati. Nagbago ung relasyon naming dalawa. Mas naging malapit kami. Yung inaasahan kong mangyayari na kami'y tuluyan nang magiiwasan ay hindi naganap. Ako na nga ang natatakbuhan niya sa tuwing nalulungkot siya eh. Syempre, hindi ko yun naramdaman agad. Nagdaan ang isang buong linggo at dun ko lang napagtanto na tama ang sinabi nya. Magkaibigan pa rin kami. Kahit na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa aming dalawa, magkaibigan pa rin talaga kami. Hindi lang iyon, kundi talagang malapit kami sa isa't isa. Nalaman ko yun nung nagkaroon siya ng problema dahil dun sa babaeng naging dahilan kung bakit niya ako iniwan. Nasaktan nanaman siya dahil sa kanya. At eto naman ako, kaibigan ngang totoo. Nakinig sa kanya habang sinsabi ang mga hinanakit niya sa babaeng noon pa man ay nasa puso na niya. Inaamin ko na masaya ako sa nangyayari sa amin ngaun. Bilib nga ako eh. Ang ganda ng relasyon namin. Pero syempe, hindi mangyayari ang ganitong pagkikipagtunguan nang walang nasasaktan. Alam niyo? Masakit. Na sabihan kang "You're a special friend for me." Na ituring kang kaibigan lang ng taong mahal mo? Grabe, ang sakit. Kailangan mong isara ang puso mo para hindi ka bumigay at sabihin sa kanyang ikaw na lang ang mahalin niya. Yun kasi ang ginawa ko. At alam niyo. Epektibo. At least, nakakausap ko siya ng matino.
Simple lang naman ako eh. Simple magmahal. Mahal ko siya. Hindi ko naman hinihiling na mahalin niya ako. Siguro ang sarap kong tawaging tanga no? Kasi natitiis ko ang sakit habang pinapankinggan ko siyang umiiyak dahil sa mahal niya. Na pinipilit kong huwag ding umiyak nang marinig ko siyang humihikbi isang gabing magkausap kami. Sabi ko nga, simple lang naman akong magmahal. Ni minsan, di ko sinabi sa kanyang ako naman ang mahalin niya. Hindi ko tinanong kung bakit hindi na lang ako ang minahal nya. Ni minsan, wala akong nasabing ganoon. Kahit na isinisigaw na ng puso ko ang mga katagang "ako na lang ang mahalin mo...sa akin di ka iiyak...". Kahit na walang humpay sa pagsumbat ang isip kong sinasabing "ikaw kasi, tuloy umiiyak ka nanaman...ano bang napala mo nung iniwan mo ko? Nasaktan ka lang...Ni minsan di kita ginanyan...", hindi ako kumkibo. Sige pa rin sa pakikinig sa kanya habang sinasabi niya na wala siyang pakialam kung naghihintay siya sa wala. Ako din naman eh, walang pakialam kung naghihintay ako sa wala. Sa totoo lang, hindi naman ako umaasa. Siguro, hinihintay ko lang siya. Tahimik na lang akong naghihintay sa panahon na magbago ang nararamdaman niya. Pero hindi naman talaga ako umaasa. Pero kahit naghihintay ako sa wala, hindi ako nagsasawang magbakasakali na magbago ang damdamin niya. Magulo, pero malinaw sakin un. Mahirap, pero dapat kayanin.
Sa dami dami ng sinabi ko, napaisip ka siguro. Anong kinalaman ng title sa entry na to?
Explain?
Ganito kasi yun...Taliwas ang mga salitang ibinibigkas ko sa pintig na isinigigaw ng puso ko. Kapag may nagtanong sakin, aking sasabihin na wala na. Hindi ko na siya gusto. Kahit na ipagpilitan ng puso ko na sabihin ang totoo, natatalo ng isip ko at nasasabi ang mga bagay na iba sa damdamin ko...Sa ibang salita, inamin ko sa entry na ito ang panlolokong ginagawa ko sa sarili ko. lol.
my goodness! ang laki ng natutulong talaga ng blog mo for keeping in touch.. grabe, siya rin ba ung tanga? hai.. nakakainis naman,, pero tama ung sinabi mong ang sakit na ituring ka lang na close friend ng isang mahal mo.. pero hindi ko naman mahal ung taong yun eh/.. hehe/.
ReplyDeletebasta kung kailangan mo ng kaibigan, email mo na lang kami.. di ata tayo magkaabuta sa ym eh!
;)
magkakaabutan pala..
ReplyDeletemusta na?
;)